Oras
Sa bawat yugto ng buhay, may mga panyayari d'yan na gusto mong alalahanin at kung minsan ay talagang pinilit mong ibaon sa nakaraan. Ganyan siguro kapag natututuhan nating pakawalan ang nararapat ng bitawan. Napipili natin yung mga dapat dalin natin sa paglalakbay sa buhay at yung mga dapat ng talikuran. Kumbaga, dalin natin ang aral na nadulot pero iwanan ang mga panggulo. Sa buhay, kinakailangan mo ding madapa upang matuto kang tumayo. Kinakailangan mong umiyak upang maramdaman mo kung paano ang sumaya. Wala naman sigurong mali kung maranasan mo ang lahat ng iyan bago mo makamit yung kaligayahan mo sa buhay di ba? Ganyan din sa pagmamahal, kailangan mo din maranasan ang masaktan at mabigo upang matutuhan mo kung paano ang magmahal ng buo at tunay. Di naman siguro isang failure ang masaktan ka dahil nagmahal ka e, di lang talaga para sa iyo ang pagkakataon na iyon. Ituring nalang iyon na isang leksyon sa iyo para sa susunod na bubuksan mo ang puso mo upang papasukin ang pag-ib...