Puso o Isip


Naranasan mo na bang gumawa ng isang desisyon na hindi magtugma ang kagustuhan ng isip at ng puso mo? Madalas, ano ba ang pinapagana mo? Isip o Puso? Ang hirap gumawa ng hakbang kung ang sarili mo ay di mo maintindihan di ba? Marahil, karamihan sa atin nakadanas na ng ganitong pangyayari. Mahirap man, nakakalito man at kung minsan nakuha man nating mainis sa sarili natin, sa huli tayo pa din ang mamimili kung ano ang dapat gawin. Ganyan kasi ang buhay, may pagkamasalimuot pero may kasiyahan ding dala. Para ka bang nasa isang Roller Coaster ride, magkahalong takot at excitement.

Wag na tayong magtaka pa, dumadating talaga sa punto ng mga buhay natin na magkasalungat ang sinasabi ng utak at ng puso natin. Wais kasi masyado ang isip natin samantalang ang puso naman puro damdamin ang inuunawa. Pero kung paka-iisipin mo, Mas superior ang utak natin kesa sa puso hindi ba? At kapag brain dead ka na, wala na ding silbi pa ang puso mo. Ganun naman pala e, bakit nahihirapan tayo magdesisyon? Kasi nga, may feelings na involve at kadalasan ang feelings na iyon ang mas napag-uukulan mo ng pansin. Bakit? Dahil, mas unang dumadating sa sistema natin ang damdamin, paanong di mo yun papansinin lalo na kung nasaktan ka o di kaya ay nasa rurok ka ng kasiyahan mo. Kaya naman pag kailangan ng magdesisyon, tiyak yan, kadalasan puso ang sinusunod. May ilan mang sumunod sa sinasabi ng isipan, asahan mo ang bigat ng kalooban nila at magbilang ka lang ng ilang araw, naku, sinunod na din ang puso.

Wala namang masama kung sundin ang sinisigaw puso, pero sana pag ginawa mo iyon, maganda ang maibabalik sayo at di yung makukuha mo pang umiyak at magsisi dahil mali ang desisyon mo. Matuto kasi tayong magtantiya ng sitwasyon ng di tayo nagmumukhang tanga sa ibang tao at pati narin sa ating mga sarili. May mga bagay kasi na dapat ipaubaya mo sa utak mo, kahit mahirap at tingining imposible, gawin mo. Walang bagay ang mapagtatagumpayan kung di ka susugal. Di ko rin naman sinasabing lagi nalang ang isip ang paganahin mo, case to case basis baga. Tignan mo kung makakabuti sa iyo pati na rin sa mga taong pedeng maapektohan.

O? Paano? Pag-isipan mo na kung ano ang dapat pairalin sa mga panahong di sila magkasundo a. Hanggang dine nalang muna ito.

Comments

Popular posts from this blog

Best Thing in Life

Unspoken Thoughts

Oras