S O B R A



Madami ako naririnig mula sa ibang tao na ang lahat ng SOBRA masama, totoo ba? Kung pakaiisipin, may punto ang makahulugang kataga na iyon. Sa bisyo na nga lang di ba, pag sobra na, nakakasama din at may epekto na di natin nagugustuhan at napagsisisihan natin kasi inabuso natin masyado. Sa buhay din kaya natin, nakakasama pa din ba ang sobra?

May pagkakataon sa buhay natin na ang sobra ay nakakagawa ng lubos na kasiyahan sa atin. Lalo na kapag ang sobrang ito ay syang iyong kagustuhan. Pero,dumarating din naman sa punto na ang sobrang kasiyahan na iyan ay syang maging dahilan ng sobrang kalungkutan. Lalo na kung ang dahilan ng kasiyahan mo ngayon ay emosyon, tao o pangyayari sa buhay mo ngayon.Tandaan! The only permanent thing in this world is CHANGE! Lahat nagbabago, ang material things nga ang bilis mawala sa uso e. Ganun din ang tao at ang emosyon, di mo kasi hawak ang tao at ang gusto nilang maramdaman. Kung masaya ka dahil sa tao at sa pinapakita nila sa iyo, i-enjoy mo ang moment na iyan, but wag mong panghahawakan, kasi di yan permanente. Darating ang oras na unti-unti iyang mawawala at magugulat ka isang araw, lahat ng pinagsamahan nyo isa nalang ala-ala ng masayang kahapon at masaklap na pangyayari ngayon. That too much will give you pain especially if you hold onto it too tight. You need to balance everything to make it last a lifetime.

Di ba ang sakit isipin na ginawa mo ang lahat kahit di mo na kaya para lang wag mawala ang pinahahalagahan mo, pero sa huli, nawala pa din at nagmukha ka pang kawawa. Kaya dapat, alamin kung kelan dapat pakawalan ang sobrang nagpapabigat sa iyo ng hindi ka nahihirapan at nasasaktan ng todo. Sobra na nga e,ade bawasan ng sakto lang, di ka pa hirap.

O, tama na nga re. Hahaha.

Comments

Popular posts from this blog

Best Thing in Life

Unspoken Thoughts

Oras