Leksyon ng Buhay
Sa bawat pangyayari sa buhay, maliit man o malaki, sadyang may iniiwang leksyon sa atin. Nasa sa atin nalang iyon kung tatanggapin natin iyon at gawing gabay sa mga susunod na pagsubok ng buhay.
Mag-uuri ako ng mga ilang leksyon na palagay ko naman e, naranasan naman din ng ilan sa atin. Simulan ko na.
1. PRIDE. Kadalasan ito ang nagiging isyu natin e. Mga kataga na ‘e, paano naman ang pride ko?’ o pagkatapos ano? Wala, naiangat mo nga ang pride mo may nawala naman sa iyo. Tapos ano, nawalan ka na, nalungkot ka pa. Maiisip mo nalang, ‘oh, poor me, dapat kasi..’ magsisi ka man huli na. Nasaktan ka na, minsan nakasakit ka pa. Naisip ko lang, dapat siguro matuto tayong magbalanse ng pride natin e. Di naman kasi sa lahat ng pagkakataon maililigtas tayo nyan, kadalasan, nakakatulong lang kung tama ang pagkakatimpla mo. Makiramdam at wag maging kampante. Tandaan! Ang PRIDE kasama yan sa ‘Seven Deadly Sin’. O, napaisip pa.
2. DENIAL. O, siguro naman, di na natin ito ipagkakaila pa. Sino pa ba sa atin ang di gumamit nito? Kahanga-hanga ka, kung gano’n! Lakas ng epekto neto e, kaka-deny natin, natatabunan na natin yung dapat nating iparating e, mapa-emosyon o kung ano pa man. Tapos sa huli, ‘dapat kasi pina-alam ko na e, ade sana di naging ganito’. Minsan ang buhay mapagbiro e, minsan pag napagtagumpayan mo ang gamit nyan, saya ng pakiramdam ayun pala may pagka-traydor ang loko, pailalim kung bumanat. Magugulat ka nalang, may nawala na. Saklap, di ka manlang na-brief hanu? Kaya dapat, wag ng mag-deny, ilabas at ipaalam kung ano man ang gusto ng damdamin. Di na mabigat panatag ka pa na alam nila kung ano ang pinagdadaanan mo, pati na din ang nararamdaman mo. Let go of this phrases: ‘di kaya’, ‘ayos lang’, ‘wala nga’, at kung anu-ano pa. Trivia ko lang, isa yan sa gamit na gamit na ‘Defense Mechanism a.
3. REGRETS. Ang sanhi ng pagka-emo ng ilan. Totoo ba? Andyan yung hinaing na, ‘gusto ko munang mapag-isa’ epek. Yung tipong, kung pede ko lang ibalik yung panahon na drama. Kung iisipin, ang hirap nga naman, magsisi ka dahil naduwag kang gawin yung sanang dapat mong ginawa. Kaya nga ang dapat, kung may gusto kang gawin, gawin mo hangga’t may pagkakataon ka pa. Kung magkamali ka man, atleast alam mo sa sarili mo ginawa mo, wala kang panghihinayangan. ‘Di mo naman kelangan panghinayangan kung ano man ang nangyari e, kasi may punto sa buhay mo na ginusto mo din naman ang pangyayari’.
Alam ko, madami pa talagang leksyon ang buhay. Piece of advice: Learn from it! Nakakadala naman siguro kung paulit ulit nalang ang pagkakamali mo sa buhay di ba?
Comments
Post a Comment