Susugal o Hahayaan na lang?



Ano nga ba ang dapat, ang mag-take ka ng risk o hayaan nalang ang kung ano man ang pangyayari? Paano ba malalaman kung tama nga talagang mag-take ka ng risk? Kung ikaw ang nasa sitwasyon at kailangan mo pagpilian ang dalawang option na iyan, di ba ang hirap? Sa ibang tao, ang dali sakanila sabihin na ‘take the risk, para magkaalaman na’, e ang tanong, ganun nalang ba kadali iyon? Lagi ba ang pag-take ng risk ang mas makabubuti sa isang sitwasyon? Kapag ba umiwas ka sa pangyayari ang kasunod agad ay ang salitang regrets? Napaisip lang naman ako, ikaw ba?

Sa pananaw ko naman, may pagkakataon sa buhay natin na dapat talaga nating sumugal sa sitwasyon lalo na at sa tingin natin, mas makakabuti iyon upang maayos pa ang gusot. Wala naman din kasi makakapagsabi kung tama o mali ang gagawin mo hanggang masubukan at magawa mo ang sa tingin mo ay dapat mong gawin. Sabi nga, ‘walang karapatan ang ibang tao na kwesyonin ka sa dapat ay ginawa mo, dahil hindi sila ikaw’. Tama naman, wala tayong alam sa buong pangyayari, magbigay man tayo ng payo e hanggang doon nalang iyon, dahil sa huli ang involve at ang nakakaramdam pa din ang magdedesisyon. Sa pag-take naman ng risk kasama nyan ang lakas ng loob sa pagtanggap ng magiging kalalabasan e. Ang hirap lang nyan ay ang nag-take ka ng risk pero huli na pala lahat. Kaya kailangan nasa timing din. Tamang pag-isipan ng maigi pero wag naman yung parang isang dekada mo ng pinag-isipan, dahil di mo pa nagagawa, alam mo ng walang patutunguhan, masasaktan ka lang muli.

Sa kabilang banda, ang hayaan nalang ang pangyayari kung minsan ay mas mabuting gawin. Lalo na at alam mong malabo na ang lahat upang maiyos at maibalik sa dati ang lahat. Mararamdaman naman kasi kung may pag-asa pang maayos ang nasira na o tuluyan na talagang nasira e. Mali din namang isipin na, may magiging regrets ka kasi hinayaan mo nalang ang pangyayari, kasi kung minsan nakakapagsisi dahil ginawa pa natin ang isang bagay. Minsan pa nga, nakakababa ng pagkatao kasi parang nagpapaka-tanga pa tayo sa isang pangyayaring matagal ng natuldukan. Di rin kaduwagan ang pag-iwas a, it take 100% courage upang iwasan ang pangyayaring mahirap para sa atin na pakawalan at makitang nawawala na.

Napagbulayan ko lang iyan, kaya nasa bawat tao pa din ang desisyon. :)

Comments

Popular posts from this blog

Best Thing in Life

Unspoken Thoughts

Oras