Oras
Sa bawat yugto ng buhay, may mga panyayari d'yan na gusto mong alalahanin at kung minsan ay talagang pinilit mong ibaon sa nakaraan. Ganyan siguro kapag natututuhan nating pakawalan ang nararapat ng bitawan. Napipili natin yung mga dapat dalin natin sa paglalakbay sa buhay at yung mga dapat ng talikuran. Kumbaga, dalin natin ang aral na nadulot pero iwanan ang mga panggulo.
Sa buhay, kinakailangan mo ding madapa upang matuto kang tumayo. Kinakailangan mong umiyak upang maramdaman mo kung paano ang sumaya. Wala naman sigurong mali kung maranasan mo ang lahat ng iyan bago mo makamit yung kaligayahan mo sa buhay di ba? Ganyan din sa pagmamahal, kailangan mo din maranasan ang masaktan at mabigo upang matutuhan mo kung paano ang magmahal ng buo at tunay. Di naman siguro isang failure ang masaktan ka dahil nagmahal ka e, di lang talaga para sa iyo ang pagkakataon na iyon. Ituring nalang iyon na isang leksyon sa iyo para sa susunod na bubuksan mo ang puso mo upang papasukin ang pag-ibig, atleast alam mo na kung ano yung posibleng dapat gawin mo. Komplikado kasi ang usaping pag-ibig e, masyadong malawak ang sakop nyan. Meron kasi na talagang totoo ang pagmamahal meron naman na sadyang laro lang at kung minsan may pagmamahal na umuusbong pero hindi maaaring ipagpatuloy dahil mauuwi rin sa pagtangis ng bawat puso. May ganyan palang klase ng pagmamahal hanu, swerte ka kung totoo na yang nahanap mo, malas kung just for fun ka lang at may kirot kung may pag-uudlot na nagaganap. Pero kahit ganun, ang sarap parin sigurong magmahal at magmahal muli pagkatapos ng mga heartaches na naramdaman mo. Sadyang nasa tamang paghihintay at pagkakataon lang ang lahat. Wag madaliin at piliting mahinog ang bunga kung hindi pa talaga nya panahon dahil maasim o papakla lang ang kakahinatnat ng lahat. Let God do the plan. Ganun lang kasimple diba? Dapat lang tayo tumingin sa brighter side ng buhay kesa ilubog tayo ng mga mapapait na pangyayari ng buhay natin. Oras lang naman ang katapat ng bawat sakit ng nakalipas e. Kaya walang room para mag-emo pa. Di natin kailangan ipako ang sarili natin sa lugar kung saan tayo napag-iwanan at nasaktan. Kinakailangan din nating umusad at humakbang palayo sa masakit na kaganapang iyan.
Paalam na nga. HAHA.
Paalam na nga. HAHA.
Comments
Post a Comment